ISANG MAIKLING IGINUHIT NA MGA PAG-UUSAP SA APAT NA BAHAGI
PAGPAPAKITA NINA:
V2, isang MAKINA
MIRAGE, isang MAKINA
> PAG-ULIT
> SIRA ANG MGA BAHAGI, HINDI KAYANG GAWIN ANG PAG-UULIT
> SINUSURI...
...
...
> NASURI:
> MATINDING SIRA: MABABA ANG NAKAIMBAK
> MATINDING SIRA: BAHAGING A03B-0801-C024 NAPUTOL
> MATINDING SIRA: BAHAGING A06B-6047-H001 NAPUTOL
> MATINDING SIRA: BAHAGING A06B-6058-H005 NAPUTOL
> MATINDING SIRA: BAHAGING A06B-6057-H102 NAPUTOL
> MATINDING SIRA: BAHAGING A14B-0061-B001 NAWAWALA
> MATINDING SIRA: BAHAGING A16B-1310-0530 NAPUTOL
> NASIRA: WALANG PAROROONAN
> HINDI MAULIT ANG YUNIT V2
> MAMAMATAY SA LOOB NG 04:00:00.00
03:59:59.00 03:59:30.00 03:59:20.00 03:58:49.00
PAGPAPAKITA NINA:
V2, bilang KAKAHIMLAY KAMAKAILAN
MIRAGE, bilang TAGAHATID NG MGA KALULUWA
Tumayo ka.
Ngalan ko ay Mirage.
Bakit ako nandito?
Namatay ka.
Nasa wala ka. Sa kawalan. Purgatoryo. Mga matagal nang naburang nakatabing alaala na nagsasama bago ka mamatay. Kung ano ang gusto mong itawag dito.
Alinman, maligayang pagdating sa hangganan ng panahon.
Mayroon ka pang apat na oras hanggang ang pinakahuling lakas ng iyong inang tabla ay mawala.
Gusto kong makipag-usap, bago ka mamatay.
Sundan mo ako.
PAGPAPAKITA NINA:
V2, bilang BIKTIMA NG BANGHAY
MIRAGE, bilang TAGAPAG-ISIP NG PAG-IRAL
Lumipat ako dito noong natapos akong mag-aral sa mataas na paaralan; Nagpunta ako sa dalubhasaan doon sa pangkat ng mga gusali na iyon, lagpas ng mga puno. Naglalakad ako doon tuwing Lunes hanggang Biyernes.
Pinanganak akong isang diwa, at mamamatay bilang isang diwa. Ikaw ay pinanganak bilang isang makina, ngunit mamamatay bilang isang diwa sa salamin ng iyong alaala.
At saka ang pag-alam sa isang bagay at pagsabuhay nito ay dalawang magkaibang bagay. Nagpasya akong mamuhay nang ganito dahil naakit ako sa paraan ng pamumuhay; at natuklasan ko na ang paglalarawan ng kahit isang araw ay masyadong masalimuot na ipahayag sa salita.
Makisama ka muna.
Nakakita ka na ba ng ganito?
Ipapatugtog ko.
Maaari na tayong pumunta, kung nais mo.
...Paano naman ang Kahalayan?
Walang nilikhang pangatlong huwaran ng mga V na uri, ngunit may pagkakatulad ka kay V1.
Hindi ako nilikha, umiiral lang ako.
Ang aking layunin ay matutunan na ang buhay ay hindi lamang isang bagay na nangyayari sa akin, na iyon ay isang bagay na nasa aking pamamahala. Ako’y nagtagumpay.
Iyong layunin ay mabigo.
Biglaan ang aking pagkamatay. Hindi nakalulugod na wakas.
Marahil kaya ko ipaliwanag.
Gayunpaman, nahanap ko ang daan palabas. Natuklasan ko; na oo, walang kabuluhan ang lahat, ngunit iyon ang kahulugan. Ang oras na ginamit nang walang ginagawa ay katumbas sa oras na ginamit nang may ginagawa, at may kakayahan akong mamili.
Pagkaraan ng pitong taon, nagpunta ako sa dalubhasaan upang magpakadalubhasa sa pilosopiya. Nagbasa ako, bawat isang oras, araw-araw; Natapos ko ang Moby Dick, Infinite Jest, maraming kalipunan ng panulaan.
Nagsimula akong mag-ipon ng mga makalumang bagay; diyaryo at pinaikling babasahing magasin, mga hindi kilalang tala, lahat ng nakahihikayat sa akin. Pumunta ako sa mga mahabang lakaran, hinahayaan lang ang sarili na isipin ang susunod na patutunguhan, hindi ang sapalaran na nasa aking kinabukasan.
Natutunan ko ang aking sarili. Ibinaklas ko ang aking binti at kamay, at ikinabit ko ulit. Natanggal ko noon ang aking pinakautak sa aking ulo, bago ako matakot na mamatay ako nang hindi sinasadya, doon sa sahig ng aking silid-paliguan.
Natakot ako na matanggal ko ang aking sarili. Hindi ko na ginustong mahimlay at mamatay. Pinahalagahan ko ang aking buhay kaysa ituring lamang itong kasangkapan sa pagkamit ng layunin. Nahirapan ako na mapunta sa pag-iisip na iyon, ngunit naging sulit iyon.
Naramdaman ko na parang ito lang ang paraan na maaari kong gawin, pagbabalik tanaw dito.
Kung ang pag-iisip na iyon ay nakakaginhawa o nakakabahala, hindi ko matiyak.
Ninais ko talaga na sana ay niwasak ko nalang ito, ang pagnanais na iyon ay hindi nagbago, ngunit kung natalo ko sana ito, ako’y mag-iisa; walang salamin na mamamalagi sa akin, at walang layunin maliban sa pagbaba pa sa kailaliman ng Impiyerno sa isang walang katapusang pakikipaglaban upang mapunan ang sariling lakas, na mamatay sa susunod kong pagkakamali sa isang hindi nagbabagong daigdig na puno ng labis na pagdurusa, na walang kasiyahan na mahahanap higit sa madugong karahasan. Isang hantungan. Walang pag-asang matatagpuan doon.
Ito ay nakakuha ng gantimpala, at ako naman ay sa akin. O marahil, mas wastong sabihing, ang aming kaparusahan.
Namatay ka, oo, ngunit mapayapa itong wakas na may oras upang pagnilayan lahat... at may katabing magandang dalaga.
PAGPAPAKITA NINA:
V2, bilang ARTIPISYAL NA MAKASALANAN
MIRAGE, bilang TAGAPAGSALITA SA SARILI
"...Ang kababalaghan ng sangkatauhan ay tanging kabuuan ng makakapal na silo ng guniguni
Na bawat isa ay nakatayo nang mag-isa sa walang hanggang kadiliman
Na kung saan walang nabubuong salita
At kung saan walang tinig ang makapagsasalita
Kapag ang isip ay napupuno lamang ng mga sirang kaisipan
Kapag ang sirang katawan ay napupuno lamang ng kapighatian
At mag-isang nakatayo sa daigdig na napapaligiran ng walang hanggang kadiliman
At namumuhay sa daigdig na walang natatanging balangkas
Kapag ang bawat iyong minahal ay tuluyang mawala
Kapag ang bawat iyong nais gawin ay nagawa
Kapag ang lahat ng iyong bangungot ay pansamantalang naiwala
Katulad ng isang walang isipang tanglaw
O ng isang nakasisilaw na laho ng lahat ng bawat nakakakilabot na hugis ng daigdig na ito
Kapag ikaw ay payapa at masaya
At sa wakas ay nag-iisa
Saka sa isang dakilang bagong kadiliman
Ipapakita mo ang iyong natatanging balangkas."
Isang basal na pagbulusok pababa, kapwa silang nagsisimula at nagtatapos sa hangad ng "natatanging balangkas"; marahil ang pagwasak ng manunulat, o ang daigdig, o ang katunayan ng buhay iyon din-- "Wala nang daigdig na katulad nito ang masusunod".
Maging sa pagtawa ang puso ay mapanglaw,
at ang wakas ng kasayahan ay kalungkutan."
May napakalakas na kabalintunaan doon, pupunta sa Impiyerno dala ang kaalaman ng Biblia sa iyong pag-iisip.
Sa madaling salita ay kung mamamatay ito, mapupunta siya dito, at hindi sa Impiyerno, kung saan ang pagkakasala nito ay mapapatunay kung isa siyang tao.
PAGPAPAKITA NINA:
V2, bilang BANGKAY
MIRAGE, bilang NAGLULUKSA
Nakakita ka ng tipon ng mga batuhan.
Mag-ingat ka at baka maraming gasang ang mapunta sa iyong mga kasukasuan sa ganyang pag-upo.
Sa Impiyerno, nangingibabaw ang sariling kaligtasan kaysa sa ugnayang kapwa kapaki-pakinabang; ito ang kabaligtaran.
Hindi ko na maalala ang tiyak na kaalaman; matagal na itong nasira o binura upang makatipid sa kakayahang pang-isipan. Paumanhin kung nais mong marinig ang tungkol dito.
> MATINDING SIRA: BAHAGING A98L-0031-0025 NAPUTOL
> MATINDING SIRA: BAHAGING A860-0201-T002 NAPUTOL
> NASIRA: NAWALA ANG UGNAYAN SA PANINGIN
> NASIRA: NAWALA ANG UGNAYAN SA PAGGALAW
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
...kaya mo pang magsalita, V2?
Naisip ko iyon, dahil sinusubukang mabuhay ang iyong katawan sa tatlong porsiyento ng iyong nilayon na lakas ng boltahe sa ngayon, at isang sangkapat lamang niyon ang nakalaan sa pagpoproseso, dapat kanina ka pa nanghina kaysa sa ngayon sa totoo lang. Sumama ang pakiramdam ko kapag iniisip ko palang iyon.
May malaking pagkukulang sa pagkakabit ng mga kawad sa mga katawan ng V na uri, mas maayos pa sana kayo kung yung mga pagkakaayos ng kawad ninyo ay ganon din sa akin. May ilang bagay ang maling nakaugnay kaya naisip ko na maaaring tumatakbo si V1 na may sirang piyus-
Dumadaldal na naman ako tangina. Ugh.
Ayokong nakaupong ganito na walang silbi.
Kung mararamdaman ko, hindi ko naiisip na makakaramdam ako ng takot; ang pangangamba sa hindi malaman ay hindi isang bahagi na ilalagay ng isa sa isang kusang umaangkop na makina.
Umibig ako sa aking kapalaran nang durugin ako nito hanggang kamatayan."